2,000 Pinoy stranded sa Iran
MANILA, Philippines - Inaalam na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ulat na may 2,000 Pinoy ang umano’y kasalukuyang stranded sa Kish Island sa Iran habang naghahanap ng trabaho at nag-aantabay ng kanilang visa pabalik sa United Arab Emirates (UAE).
Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez, inatasan ng DFA ang Embahada na may hurisdiksyon sa Iran na alamin ang kalagayan ng nasabing mga OFW at mabigyan ng kaukulang assistance.
Nakarating ang ulat sa DFA matapos makaÂpanayam ng DZMM TeleÂradyo ang isang OFW na nagtatrabaho sa Kish Island na si Fatima Arandia kahapon at ipinabaÂtid ang sitwasyon ng mga stranded Pinoy na karamihan ay may hawak na tourist visa.
Nabatid na ilang buÂwang nananatili sa isla ang mga Pinoy na may hawak na visit visa mula UAE upang mag-bakasakali na makaÂhanap ng trabaho sa Kish island. Matapos ang isang buwan ay maaari silang bumalik muli sa UAE dahil sa hawak na visit visa para doon muli maghanap ng trabaho.
Kabilang umano sa mga stranded na Pinoy na pinangakuan ng employment visa at biktima ng panloloko ng emploÂyer ang napipilitang pumunta sa Kish Island bilang kanilang exit at para makahanap ng trabaho.
Dahil sa kabiguan umanong makahanap ng trabaho ay nauubusan na ng pera ang mga OFWs para sa hotel accomodations at umaasa na laÂmang ng tulong mula sa ibang kababayang Pinoy na nakabase sa Kish island.
Sa kabila nito, ayaw pa ring magsibalikan sa PiliÂpinas ang mga OFWs dahil na rin sa umano’y mga utang na kanilang iniwan sa bansa.
- Latest