^

Bansa

Manager ng CBC bank ipinagtanggol

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinagtanggol ng mga guwardiya ng China Ban­king Corporation (CBC) ang kanilang bank mana­ger sa paratang na malupit ito at ‘matapobre’.

Ayon sa mga guwardiya ng CBC E. Rodriguez, Quezon City Branch Efren Gamao, Richard Boston, Alexander Vizzarra at Robby Tungol, walang katotohanan ang paratang ng umano’y magnanakaw na si Reynante Gante, guwardiya din ng nasabing bangko na ‘matapobre’ ang kanilang bank mana­ger na si Ana Maria Raquel Samala.

Sinabi ni Gamao, na siyang head guard ng CBC E. Rodriguez Branch, si Gante ay natulungan na rin ni Samala noong nagkasakit ang kanyang nanay, kung saan ang bank manager pa aniya ang bumili ng ticket ng suspek sa eroplano papunta at pabalik ng Davao, at  binig­yan din ng pera upang maipagamot ang maysakit na ina at binayaran din ang kanyang suweldo mula sa sariling bulsa ng bank manager.

Sa panig naman ni Vizzarra ay sinabi nito na nasilaw si Gante sa pera kaya nagawa nitong holdapin ang CBC noong Mayo 2012.

Noong Enero 23, 2013 matapos ang walong buwang pagtatago ay na­dakip si Gante ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa Sta. Inez San Luis. Agusan del Sur.

Iniharap sa media ni QCPD Dir. Sr. Supt. Richard Albano nitong E­nero 25, 2013 si Gante at kanyang inamin na ang natangay niyang P1.2 mil­yong sa CBC ay kanyang ipinambili ng lupa at kaya umano nagawa niyang magnakaw ay bilang ganti niya sa kanyang ‘matapobreng’ bank manager na mariing naman pinabulaanan ng iba pang mga guwardiya.

 

ALEXANDER VIZZARRA

ANA MARIA RAQUEL SAMALA

CHINA BAN

INEZ SAN LUIS

NOONG ENERO

QUEZON CITY BRANCH EFREN GAMAO

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

REYNANTE GANTE

RICHARD ALBANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with