^

Bansa

Sen. Lacson bibigyan ng posisyon

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

IMUS, Cavite, Philippines  â€“ Ipinahiwatig kahapon ni Pangulong Benigno Aquino III na kukunin niya sa kanyang Gabinete si Sen. Panfilo Lacson at bibigyan ng posisyon sa gobyerno sa pagtatapos ng termino nito sa Senado.

Sinabi ni Pangulong Aquino sa Alay sa Mamama­yan program kahapon, una na niyang hiniram sa Cavite ang kanilang kababayan na si Rep. Jun Abaya na itinalaga niyang DOTC chief at susunod niyang hihiramin ay si Sen. Lacson na mula sa Silang, Cavite.

“Tutal naman papakapal na ho ako ngayon. Humihingi ako ng suporta sa inyo. Hiniram ko na ho si Jun Abaya; susunod ho si Ping Lacson. Si Manong Ayong ho, hindi ko muna hihiramin sa inyo,” paliwanag pa ni PNoy.

Iginiit pa ng Pangulo na mag-ingat ang mga botante mula sa nagpapanggap na kakampi niya sa tuwid na daan kaya dapat ay suriing mabuti ng mga Caviteño ang kanilang iboboto sa darating na eleksyon.

 

CAVITE

GABINETE

HINIRAM

JUN ABAYA

PANFILO LACSON

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PING LACSON

SI MANONG AYONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with