^

Bansa

Harassment sa mga katutubo hiling siyasatin

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaiimbestigahan ni Gabriela partylist Rep. Luz Ilagan sa National Commission on Indigenous People (NCIP) ang umano’y mga insidente ng pagpatay, harassments at paglabag sa cultural minorities ng mga kumpanya ng palm oil laban sa mga miyembro ng tribu ng Higaonon sa Misamis Oriental.

Ayon kay Ilagan, miyembro ng House Committee on Cultural Minority, dapat din tumulong ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa NCIP sa pag-iimbestiga dahil na rin sa pag-amin ng opisyal ng Provincial Environment and Natural Resources Officer na ang palm oil company A. Brown Company Inc. ay nag-o-operate na sa loob ng dalawang taon na wala umanong permit na malinaw daw na paglabag sa umiiral na batas sa kalikasan.

Ang reaksyon ni Ilagan ay bunsod sa massive online campaign ng mga religious, militant, workers at indigenous groups laban sa A. Brown na isang palm oil company na nakabase sa Cagayan de Oro bunsod sa paglabag sa karapatang pantao at iba pang pang-aabuso.

Nabatid na noong Oktubre, ang Pesticide Action Network Asia (PAN AP), Peasant Movement of the Philippines, Asian Peasant Coalition (APC), Peasant Movement of the Philippines (PMP), Rural Missionaries of the Philippines (RMP), Sentro Kitanglad, Kalumbay Regional Lumad Organization at ang Pangalasag group mula sa tribung Higaonon ay nagsimula na ng kanilang online petition na nananawagan kay Pa­ngulong Aquino na alisin ang A Brown company sa nasabing area.

Nanawagan din si Ilagan sa mga concerned government agencies na imbestigahan ang nasa­bing reklamo kung mayroong permiso sa mga katutubo ang pagtatatag ng nasabing plantasyon.

A BROWN

ASIAN PEASANT COALITION

BROWN COMPANY INC

CULTURAL MINORITY

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

HIGAONON

HOUSE COMMITTEE

ILAGAN

PEASANT MOVEMENT OF THE PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with