NPA sangkot sa 374 bayolenteng insidente, 53 sibilyan napatay
MANILA, Philippines - Ibinulgar kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nasangkot ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa 374 bayolenteng aktibidades o isang sibilyan kada linggo ang walang awang pinapaslang na umabot sa 53 biktima sa bansa sa buong taon ng 2012.
Sa pahayag ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Arnulfo Marcelo Burgos Jr., maliban sa mga inosenteng sibilyan na pinatay ay 81 ding sundalo ang nasawi sa kamay ng NPA rebels, 8 sa PNP at 22 mula sa CAFGU Active Auxiliary (CAA).
Sa kabila nito, ayon kay Burgos ay umiskor naman ang military sa pagkakalipol na aabot sa 555 NPA rebels sa buong 2012 kabilang ang 367 boluntaryong sumuko sa pamahalaan.
Sa panahong umiiral ang 18 araw na tigil putukan mula Disyembre 16, 2012 hanggang Enero 15, 2013 ay nasangkot ang NPA sa 10 insidente ng paglabag sa ceasefire.
Kabilang dito ang ambush-massacre ng NPA sa La Castellana, Negros Occidental noong EneÂro 27, 2013 na ikinasawi ng isang pulis at walong sibilyan.
Una na ring nasangkot ang mga rebelde sa ambush-slay sa tatlong sibilyan sa Ligao City, Albay noong Enero 2, 2013.
Limang insidente rin ng harassment ang naitala ng AFP sa Agusan del Norte, Malaybalay City, North Cotabato, Tanay, Rizal; South Cotabato at Camarines Sur na ikinasawi ng isang sundalo at isang CAFGU habang dalawa pa sa tropang gobyerno ang nasugatan.
Sa loob lamang ng EÂnero 2013, 10 insidente ng bayolenteng aktibidades ang inilunsad ng mga rebeldeng komunista na ikinasawi ng tatlo mula sa AFP, PNP at CAFGU habang 27 pa ang naÂsugatan.
Nagresulta rin ito sa pagkakalipol sa 21 NPA rebels kabilang ang 19 sumuko sa tropa ng militar sa unang buwan ng 2013.
- Latest