^

Bansa

Libreng dialysis sa mahihirap

Butch Quejada at Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Itinutulak sa Kamara ang pagbibigay ng libreng dialysis sa mahihirap na pasyente dahil dumarami ang bilang ng nagkakasakit nito.

Naghain si Rep. Ro­ger Mercado sa Kongreso ng House Bill 6784, dahil hindi na raw biro ang mga nagkakasakit at kailangan magamot sa pamamagitan ng dialysis pero ito aniya ang problema dahil karamihan ng gustong magpa-dialysis ay umaatras dahil sa mahal ito.

Ayon kay Mercado, kailangan magkaroon ng mga kagamitan para sa libreng dialysis ang mga government hospital lalo na sa mga probinsiya para mapakinabangan ito ng mga mahihirap.

Sabi pa ni Mercado, kailangan ito ng mga kapuspalad kaya hindi sila dapat pabayaan ng gobyerno. 

Itinatakda sa panukala ang Department of Health (DOH) na isama na sa taunan nitong budget ang pangangailangan sa pondo sakaling mapagtibay na ito.

AYON

DEPARTMENT OF HEALTH

HOUSE BILL

ITINATAKDA

ITINUTULAK

KAMARA

KONGRESO

MERCADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with