Kampanya vs illegal gambling pinaigting
MANILA, Philippines - Higit pang pinaigting ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom†Echiverri ang kampanya ng lokal na pamahalaan laban sa illegal gambling matapos na makarating sa tanggapan nito na may mga nakalulusot na sugal sa ilang lugar sa lungsod.
Kasabay nito, inatasan din ni Echiverri si Caloocan City Chief of Police, Sr. Supt. Rimas Calixto na magsagawa ng operasyon sa iba’t ibang sulok ng lungsod upang maaresto ang mga taong sinasabing nagpapasugal.
Nakipag-ugnayan na rin si Echiverri kay Liga ng mga Barangay President, Councilor Ricojudge “RJ†Echiverri upang atasan ang mga barangay officials na maghigpit sa kanilang nasasakupang lugar upang walang makalusot na operator ng illegal gambling.
Bago ito, isang sumbong ang nakarating sa tanggapan ni Mayor Recom na nagsasabing may isang barangay na hindi natitigil ang illegal gambling na ang nagiging mga parukyano ay ang mga kabataan.
Base pa sa sumbong, ilang tauhan din ng pulisya ang nakikitang umiikot sa naturang sugalan kaya’t naghihinala ang mga residente na posibleng may basbas ng ilang tiwaling pulis ang puwesto ng illegal gambling kaya’t malakas ang loob ng operator nito.
Dahil dito, agad na ipinag-utos ng alkalde ang pag-iimbestiga upang mapatunayan kung totoo ang nasabing sumbong at sakaling may mga pulis na mapapatunayang patong sa iligal na sugal ay hindi mangingimi ang alkalde na maparusahan ang mga ito.
- Latest