Walang TRO vs RH law
MANILA, Philippines - Tuloy ang implementasyon ng kontrobersyal na Republic Act 10354 o ang The Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012 makaraang hindi maglabas ng temporary restraining order ang Supreme Court (SC).
Sa halip, pinag-isa ng Kataas-taasang Hukuman ang anim na petisyon na kumukwestyon sa naturang batas.
Kabilang dito sina James Imbong, et al.; Expedito Bugarin, Eduardo Olaguer and the Catholic Xybrspace Apostolate of the Philippines, Serve Life Cagayan De Oro City, et al., Task Force for Family and Life Visayas, Inc. at Valeriano Avila, and Alliance for the Family Foundation Philippines, Inc.
Disyembre 29 nang isabatas ni Pangulong Aquino ang Reproductive Health law matapos ang 16 taong pagkakabinbin sa Kongreso bunsod ng mahigpit na pagtutol ng Simbahang Katolika.
- Latest