^

Bansa

2 PNP officers sinibak sa rubber boat anomaly

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinibak ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang dalawang opisyal ng Philippine National Police (PNP) habang sinuspinde ang siyam na iba pa dahilan sa umano’y maanomal­yang pagbili ng 75 defective rubber boats na nagkakahalaga ng P131.5 million sa kasagsagan ng bagyong Ondoy at Pepeng noong 2008.

Sa 118-pahinang desisyon ni Ombudsman Morales, napatunayang nagkasala sina C/Supt. Herold Ubalde at Deputy Director General Benjamin Belarmino, Jr. sa kasong Gross Neglect of Duty at Grave Misconduct at hindi rin makakatanggap ng retirement benefits at pagka-diskwalipika na humawak ng alinmang puwesto sa gobyerno.

Sinuspinde naman ng anim na buwan sina Police Dir. George Piano, Chief Supt. Luis Saligumba, Senior Supt. Job Nolan Antonio at Senior Supt. Edgar Paatan, pawang miyembro ng PNP’s Inspection and Acceptance Committee matapos mapatunayang nagpabaya sa tungkulin kaugnay ng naturang isyu.

Isang buwan namang suspendido ng walang sahod sina Joel CL Garcia alyas Joel Crisostomo de Leon Garcia, Ronald Lee, Ma. Linda Padojinog at NUP Ruben Gongona, pawang miyembro ng PNP National Headquarters Bids and Awards Committee and Technical Working Group.

Pinayuhan din ni Morales si National Police Commission (Napolcom) Director Conrado Sumanga Jr. na gawin ng mabuti ang trabaho bilang miyembro ng Oversight Committee and Acting Service Chief of the Installations and Logistic Service upang walang mailapat ditong kaparusahan dahil sa isyu.

Ang kaso ay nag-ugat sa reklamo noong November 15, 2011 at February 17, 2012.

Lumabas sa records na ang PNP ay bumili ng 75 rubber boats at 18 spare engines o outboard motors para gamitin ng PNP Maritime Group bilang bahagi ng PNP’s Annual Procurement Plan noong 2008 pero nang maideliver ang natu­rang mga equipments, nadiskubre na depektibo ang mga equipments at delikadong gamitin bukod sa ang iba ay di gumagana.

Hindi naman kasama sa naparusahan ng Ombudsman si dating PNP Chief Jesus Verzosa at 18 iba pa dahil sa kawalan nila ng hurisdiksiyon sa kaso dahil nakapag-retire na ang mga ito sa serbis­yo bago naisampa ang kaso at ang iba naman ay walang sapat na ebidensiya pra madiin sila sa kaso.

ANNUAL PROCUREMENT PLAN

CHIEF JESUS VERZOSA

CHIEF SUPT

DEPUTY DIRECTOR GENERAL BENJAMIN BELARMINO

DIRECTOR CONRADO SUMANGA JR.

EDGAR PAATAN

GEORGE PIANO

GRAVE MISCONDUCT

SENIOR SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with