Trillanes pumalag na siya ang “biggest spender”
MANILA, Philippines - Pumalag kahapon si Senator Antonio Trillanes IV sa ulat na siya ang pinakamalaki ang gastos sa hanay ng mga senador noong 2011.
Ayon kay Trillanes, “partial at misleading†ang report ng Commission on Audit (COA) na pinagbasehan ng ulat na umabot sa P54.96 milyon ang nagastos niya noong 2011 kasama na ang P27.62 milyong office expenses at P27.43 milyon para sa mga komite na pinamumunuan niya.
Nakasaad sa ulat ng COA kaugnay sa gastos ng bawat senador na si Trillanes ay gumastos ng P27.62 milyon para sa office operations kung saan kasama ang P16.76 milyon para sa sahod ng mga staff, P6.74 milyon para sa maintenance and other expenses, at P77,701 para sa capital outlay.
Napaulat na halos P55 milyon ang nagastos ni Trillanes noong 2011 gayong umaabot lamang sa mahigit na P40 milyon ang natatanggap ng bawat senador.
Ipinaliwanag ni Trillanes na kung isasama ang gastos ng oversight committee expenses makakasama siya sa mga senador na may “smallest expenditure†o pinakamaliit na gastos.
Ayon pa kay Trillanes nakasaad naman sa report ng COA na karamihan sa kanyang expenditures ay nasa ilalim ng kategoryang “office expenses†dahil siya umano ay may pinakamaraming staff sa hanay ng mga senador.
- Latest