Hindi pa summer - PAGASA
MANILA, Philippines - Niliwanag kahapon ng pamunuan ng Philippine Athmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na hindi pa puÂmapasok ang panahon ng summer sa bansa kahit na may pag-init ng panahon sa kasalukuyan.
Sinabi ni Samuel Duran, weather forecaster ng PAGASA, kadalasan ay umiinit ang panahon dahil sa nagaganap na monsoon break o paghina ng hanging amihan.
“Yung monsoon break ay nagreresulta ng pagpigil sa pagpasok ng Easterlies kaya minsan umiinit pero hindi pa summer†paliwanag ni Duran.
Sinabi pa nito na nasa bansa pa rin ang amihan kayat nananatiling malamig ang panahon at humihina lamang ito kaya umiinit ang temperatura sa bansa.
Binigyang diin ni Duran na ang transition period o ang pagpapalit ng panahon mula sa malamig tungo sa summer season ay maaari pang maganap sa pagitan ng buwan ng Marso hanggang buwan ng Abril.
Ayon pa dito, karaniwan anya ay nararanasan ang monsoon break sa kalagitnaan ng buwan ng Enero pero sa ngayon ay nararanasan ito ngayong Pebrero kayat paminsan minsan ay nararamdaman ang mainit na panahon.
- Latest