^

Bansa

Presscon ng DAR, nilusob ng mga magsasaka

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagkaroon ng tensiyon ang press conference kahapon ni Agrarian Secretary Virgilio delos Reyes sa isang restaurant sa Quezon City Circle nang lusubin ito ng mga magsasaka sa pangunguna ng Task Force Mapalad  na galit na galit na sumisigaw na sinungaling umano ang kalihim.

Agad namang naitaboy ng mga pulis ang mga magsasaka na nakasuot ng kulay orange na T-shirt na inihalintulad sa isang preso sa Bilibid na nagsisimbulo daw ng  kanilang  pakikibaka para sa maayos na pamamahagi ng lupain sa mga magsasaka sa bansa.

Sinabi naman ni Sec. delos Reyes na handa ang pamunuan ng Department of Agrarian Reform (DAR) na harapin ang mga pasaring at akusasyon ng mga obispo  partikular ng  Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na nagsasabing may krisis sa pamamahagi ng lupain sa bansa sa ilalim ng implementasyon ng extended Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).

Nilinaw din ng Kalihim na  mali ang  mga pasa­ring ng mga Obispo sa naturang programa bagkus ay dapat na tulungan na lamang ng CBCP ang ahensiya at ang gobyerno kung paano mapapabuti ng husto ang pagpapatupad sa pamamahagi ng lupa sa mga benepisyaryo ng extended  CARP.

Kung may pagtutulungan anya ang bawat isa matatamo ang tunay na diwa ng CARPER.

Anang Kalihim, anumang oras ay handa siyang makipag diyalogo sa mga Obispo kung nanaiisin ng mga ito at tuloy maipaliwanag ang tunay na layunin ng extended CARP.

 

vuukle comment

AGRARIAN SECRETARY VIRGILIO

ANANG KALIHIM

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

COMPREHENSIVE AGRARIAN REFORM PROGRAM

DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM

QUEZON CITY CIRCLE

REYES

TASK FORCE MAPALAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with