^

Bansa

EDSA rehab, Nlex-Slex projects magsasabay: Trapik mas titindi pa

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mala-bangungot na problema sa trapiko ang posibleng suungin ng mga motorista at maging ng mga traffic enforcers ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa posibilidad na magkasabay na maipatupad ang EDSA Rehabilitation Project at ang NLEX-SLEX Connector Project.

Nitong nakaraang Biyernes, inaprubahan ng Metro Manila Council ang P3.7 bilyon na proyekto na layong pagandahin ang kahabaan ng EDSA habang nitong Enero 18 naman inaprubahan ng National Economic Deve­lopment Authority (NEDA) ang P25.55 bilyon Nlex-Slex Connector Project.

Kapwa pangunguna­han ng Department of Public Works and Highways ang dalawang naturang proyekto sa Kamaynilaan.

Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na kailangan ng ibayong ugnayan ang kanilang ahensya sa DPWH ukol sa sistema ng pamamahala sa trapiko, mga isyu tulad ng alternatibong mga ruta at panahon ng pagsasagawa ng natu­rang mga proyekto.

Kailangan rin uma­nong tiyakin ng DPWH na maisasaayos ang mga secondary roads na gagawing alternate routes ng mga sasakyang dumaraan sa EDSA sa loob ng dalawang taon bago um­pisahan ang rehabilitation.

Nalulungkot si Tolentino dahil maaaring maapektuhan ng naturang proyekto ang inilunsad nilang mga programa sa EDSA tulad na lamang ng “bus stop scheme” at ang “dispatch system”.

Ibinalita naman nito na mas pinahigpit na nila ngayon ang pagbabantay sa bukana at labasan ng EDSA-Cubao underpass makaraang mamonitor na patuloy na nilalabag ng mga bus drivers ang batas na bawal dumaan dito ang mga Metro buses makaraan ang aksidente nitong nakaraang Enero. Nagkabit na umano sila ng mga CCTV camera upang mamonitor ang mga behikulong dumaraan dito.

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

CONNECTOR PROJECT

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

ENERO

METRO MANILA COUNCIL

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NATIONAL ECONOMIC DEVE

NLEX-SLEX CONNECTOR PROJECT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with