Fire safety inspection sa lahat ng gusali inutos
MANILA, Philippines - Upang maiwasang may mabiktima ng sunog sa mga establisimÂyento, inutos ni Bureau of Fire Protection (BFP) officer-in-charge, Chief Supt. Carlito Romero sa lahat ng regional directors sa bansa na magpatupad ng fire safety inspections sa lahat ng gusali sa bansa, pribado man o sa gobyerno.
Kasabay nito, hiniling din ni Romero sa mga establishment owners na payagan na makapagsagawa ng inspeksiyon sa kanilang gusali ang kanyang mga tauhan upang matiyak na tumatalima ang mga ito sa fire safety regulations ng ahensiya at tuloy maiwasan na magkaroon ng sunog.
Anya, ang kabiguan ng ilan na maisaayos ang mga deficiencies ay maaaring magresulta ng aksidente at maaaring maparusahan ang mga ito ng kulong na hanggang anim na taon at multang P100,000.
Binalaan din ni Romero ang mga tauhan na kanyang parurusahan oras na malaman na tumatanggap ng lagay sa mga establishment owners na makikitang lumalabag sa Fire code.
- Latest