Corrupt na pangulo ‘wag paupuin - PNoy
MANILA, Philippines - Iginiit ni Pangulong Aquino na hindi na dapat magkaroon ng pagkakaÂtaon na may maupong corrupt na pangulo ang bansa kaya isinusulong ng kanyang administrasyon ang long-term structural reforms.
Sa kanyang mensahe sa Global OrganiÂzation of Parliamenta rians Against Corruption (GOPAC) conÂference na ginanap sa PICC, Pasay City kahapon, ipinagmalaki ni PNoy sa mga delegado ng GOPAC ang mga naÂkamit ng gobyernong Aquino sa paglaban sa corruption tulad ng pagsasampa ng plunder case sa dating pangulo ng Pilipinas at pagpapatalsik sa chief justice.
“No less than a former president (Gloria MaÂcapagal-Arroyo) was charged with plunder among other things [and] our own Chief Justice of the Supreme Court was impeached and stripped of his position when he was found to have lied about more than 98% of his cash assets,†wika ni Aquino sa GOPAC forum.
Subalit kapag hindi raw naisulong ng gobÂyerno ang structural reform ay baka makabalik sa kapangyarihan ang isang corrupt president o isang chief justice na ‘will betray the public trust’.
- Latest