^

Bansa

Apela ni Gov. Garcia dedesisyunan na

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi pinagbigyan ng Court of Appeals (CA) ang kahilingan ng Office of the Solicitor General na pa­yagan pa silang makapagsumite ng dagdag na dokumento kaugnay sa isinampang kaso ni Cebu Go­vernor Gwendolyn Garcia at sa halip ay idineklarang submitted for resolution ang petisyon.

Sa dalawang pahinang resolusyon ng CA12th Division na may petsang Enero 22, 2013, na ipinonente ni Associate Justice Vicente Veloso, ibinasura nito ang mosyon ng OSG para sa pagsusumite ng memorandum of authorities.

Iginiit ng korte na wala nang dagdag na argu­mento na kailangang matalakay kaugnay sa hinihinging temporary restraining order ng kampo ni Garcia laban sa anim na buwang suspension order na ipinataw sa kanya ng Malacañang. Dahil dito, idineklara nang submitted for resolution ang kahilingan ng kampo ng gobernador para sa TRO.

 

ASSOCIATE JUSTICE VICENTE VELOSO

CEBU GO

COURT OF APPEALS

DAHIL

ENERO

GARCIA

GWENDOLYN GARCIA

IGINIIT

OFFICE OF THE SOLICITOR GENERAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with