Satellite launching ng Sokor tagumpay
MANILA, Philippines - Naging matagumpay ang ikatlong pagtatangka ng South Korea sa satellite launching nito kahapon.
Noong 2009 at 2010 ay nabigo ang South Korea sa paglulunsad ng satellite nito sanhi ng problemang teknikal kaya muling nagsagawa ng satellite upang tapatan ang North Korea na naglunsad rin ng satellite noong nakalipas na buwan.
Bunga nito, sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Benito Ramos na inalis na rin kahapon ng hapon ang idineklarang no fly, no sail at no fishing zone sa bahagi ng karagatang nasa silangan ng bansa matapos na lumagpas ang rocket ng South Korea.
Pinaniniwalaan namang ang ‘fairing‘ at booster nito ay nahulog sa dagat bandang alas-3:02 ng hapon.
Sa kasalukuyan, ayon kay Ramos ay wala pang naiulat na nasugatan sa pagbagsak ng piyesa ng rocket na tumama sa bahagi na ng Pacific Ocean.
- Latest