Kaso vs GMA walang ebidensiya
MANILA, Philippines - Inamin ng isang opisÂyal ng Philippine ChaÂrity Sweepstakes Office (PCSO) na “walang ebiÂdensiya†na magtutuÂrong kinulimbat ni daÂting pangulo at ngayo’y Pampanga Rep, Gloria Macapagal-Arroyo ang “confidential and intelligence fund†(CIF) ng PCSO kasabwat ang mga dating opisyal nito.
Sa ginawang cross-examination ni Aleta Tolentino, PCSO board member at “appointee†ni Pangulong Aquino, inamin nito sa Sandiganbayan na wala silang makuhang ebidensiya na magdidiin kay GMA at iba pang akusado sa kasong plunder ng CIF.
“We don’t know where the money is. We don’t know where it is,†sabi ni Aleta sa korte na dumidinig sa petition for bail ng mga akusado.
Idinagdag pa ni Aleta na:“We don’t know where the money went, who saved it,†nang tanuÂngin kung may hawak na ebidensiya ang gobyerno para patunayang may “ill-gotten wealth†ang mga nasasakdal.
Bukod kay GMA, kaÂsama rin sa kaso sina ex-PCSO chairman Sergio Valencia, ex-budget officer Benito Aguas at former board member Manuel Morato.
Isinabit din sa P365.9 milyon plunder case sina ex-PCSO general manager Rosario Uriarte, Raymundo Roquero, Jose Taruc V, Fatima Valdes, mga dating board members at, ex- Commission on Audit (COA) chairman Reynaldo Villar at COA auditor, Nilda Plaras.
Hindi naman ikinagulat ng kampo ng dating paÂngulo ang itinakbo ng mga pangyayari.
Ayon kay Atty. Raul LamÂbino, abugado at tagapagsalita ni GMA sa kaso, “unti-unti, subalit patuloy na humihina†ang mga kasong isinampa ng gobyernong Aquino laban sa dating pangulo.
Una nang nirekomenda ng isang Ombudsman panel na huwag ng isampa ang kasong plunder ng PCSO fund dahil sa kawalan ng matibay na ebidensiya subalit hindi ito pinansin ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales.
Sa halip, gumawa ito ng panibagong panel na siya namang nagrekomenda na ituloy ang kaso.
- Latest