^

Bansa

Chikunggunya outbreak sa Samar minomonitor ng DOH

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Minomonitor ngayon ng pamunuan ng Department of Health (DOH) ang napaulat na Chikunggunya outbreak makaraang makapagtala ng  535 na positibo sa nasabing sakit sa lalawigan  ng Villareal, Samar.

Nabatid sa report ni Bryant Labastida, information officer ng DOH Region 8, umaabot na sa pitong barangay ang apektado  ng Chikunggunya.

 Ang Chikunggunya fever ay isang uri ng sakit na nakukuha sa kagat ng lamok  na may senyales na katulad ng mga nakikita sa dengue fever maliban lang sa pagdurugo ngunit hindi naman umano malaki ang posibilidad na mamatay ang taong nagpositibo sa naturang sakit.

Pinapayuhan ng DOH ang mga residente sa Samar na mag-fogging at pag-ibayuhin ang paglilinis sa kanilang paligid upang malipol  ang mga lamok na nagdadala ng naturang sakit.

 

ANG CHIKUNGGUNYA

BRYANT LABASTIDA

CHIKUNGGUNYA

DEPARTMENT OF HEALTH

MINOMONITOR

NABATID

PINAPAYUHAN

SAKIT

SAMAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with