Kapag ‘di naging batas ang Freedom of Information: P400-B lusaw sa korapsyon
MANILA, Philippines - Kapag hindi naging ganap na batas ang Freedom of Information (FOI) bill ay malulusaw lamang umano sa corruption ang halagang P400-bilyon kada taon.
Ito ang naging paÂngamba kahapon ang isang dating mambabatas na orihinal na may-akda sa FOI bill bunsod umano ng kawalang aksyon ng Mababang Kapulungan upang maipasa ang nasabing panukalang batas.
Ayon kay dating Manila Rep. Benny Abante, dahil sa kawalan ng batas sa FOI kaya maÂlaki ang posibilidad na mauwi ang halagang P400-bilyon kada taon sa bulsa ng mga korap na opisyal ng gobyerno at kakutsaba ng mga ito.
Nagbabala si Abante na hindi masasawata ang pagkawala ng P400-bilyong halaga dahil sa korapsyon taun-taon bunga ng kawalan ng transparency ng pamahalaan.
Nauna rito, umapela ang Philippine Press Institute (PPI) kay Presidente Aquino na sertipikahang urgent ang naturang bill upang maipasa sa kabila ng limitadong oras ng Kamara de Representante. Ang PPI ay kinabibilaÂngan ng mga pahayagan kasama ang The Philippine Star at Pilipino Star NGAYON.
Ani Abante, ayon sa international watchdog na Transparency International, 20 porsiyento ng kabuuang budget ng gobyerno ang nawawala sa korapsyon dahil umano sa kawalan ng transparency.
Bilang dating chairman ng Committee on Information sa Kongreso, nanawagan si Abante sa mga dating kasamahan na huwag ng magpakaang-kaang sa pag-apruba sa nakaÂbinbing FOI bill.
Nakatatawa umano na bagamat ang Pilipinas ay ang unang republika sa Asya, huli ito sa mga bansang nagpatupad ng FOI law.
Binanggit ni Abante, ang mga bansang Jordan sa gitnang silangan at mga bansang Indonesia at Thailand ay may FOI law. Halos 100 iba pang bansa sa buong mundo ay may ganito ring batas.
Kinikilala anya ng 1987 Constitution ang karapatan ng taumbaÂyan na alamin kung saan napupunta ang kanilang buwis at obligasyon ng mga opisyal na ipaalam at ilahad ang lahat sa mamamayan.
“Huwag na dapat taÂtamad-tamad ang Kongreso,†dagdag pa ni Abante.
- Latest