MANILA, Philippines - Malamang na ang kanyang pamangkin na si Joshua ang maka-date ni Pangulong Aquino sa kanyang kaarawan at maging sa Valentines Day.
Sinabi ng Pangulo sa media delegation na kasama nito sa Davos, Switzerland na wala naman siyang date sa kanyang kaarawan at pati sa nalalapit na Araw ng mga Puso sa Feb. 14.
Aniya, ang tanging wish lamang niya sa kanyang birthday ay magkaroon siya ng ‘peace of mind’ kung saan ay magkakaroon siya ng ngiti habang nakikipag-dinner sa kanyang mga kapatid at pamangkin.
Magdiriwang ng kanyang ika-53 taong kaaÂrawan si PNoy sa darating na Feb. 8.