MANILA, Philippines - Isang panukalang batas na tutulong sa mga bagong graduates na makapaghanap ng trabaho ang inihain ni Aurora Rep. Sonny Angara.
Sa kanyang HB 5915 o “Bill of Rights for New Graduates,†magkakaroon ng One Stop Shop sa mga Public Employment Service Office (PESO) ng bawat siyudad at munisipalidad.
Makukuha ng mga bagong graduates ng kanilang “incentive cards†para sa ilang pribilehiyo sa kanilang employment requirements at business start-ups, sa loob ng isang taon pagkatapos makakuha ng college diplomas o certifications mula sa pinagtapusang higher education institutions (HEIs).
Kasama sa probisÂyon ng panukala ang exemptions ng mga new graduates sa pagbabaÂyad ng ilang government documents tulad ng NBI clearance, birth certificate, passport at business permits.
Maging ang pagbabaÂyad sa SSS, PhilHealth at Pag-Ibig ay sasagutin muna ng gobyerno upang hindi mamroblema ang mga bagong graduates kung papaano bayaran ang mga ito.
Sa mga nais magsimula ng sariling negosÂyo na mangungutang sa commercial o government banks ay mabibiyayaan ng mas mababang inteÂrest rates.
Tinatayang 400,000 ang nagtatapos kada taon subalit nasa 40% lamang ang nakakakuha ng trabaho sa loob ng isang pagkatapos maka-graduate.