^

Bansa

House bill aayuda sa new graduates na makahanap ng trabaho

Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Isang panukalang batas na tutulong sa mga bagong graduates na makapaghanap ng trabaho ang inihain ni Aurora Rep. Sonny Angara.

Sa kanyang HB 5915 o “Bill of Rights for New Graduates,” magkakaroon ng One Stop Shop sa mga Public Employment Service Office (PESO) ng bawat siyudad at munisipalidad.

Makukuha ng mga bagong graduates ng kanilang “incentive cards” para sa ilang pribilehiyo sa kanilang employment requirements at business start-ups, sa loob ng isang taon pagkatapos makakuha ng college diplomas o certifications mula sa pinagtapusang higher education institutions (HEIs).

Kasama sa probis­yon ng panukala ang exemptions ng mga new graduates sa pagbaba­yad ng ilang government documents tulad ng NBI clearance, birth certificate, passport at business permits.

Maging ang pagbaba­yad sa SSS, PhilHealth at Pag-Ibig ay sasagutin muna ng gobyerno upang hindi mamroblema ang mga bagong graduates kung papaano bayaran ang mga ito.

Sa mga nais magsimula ng sariling negos­yo na mangungutang sa commercial o government banks ay mabibiyayaan ng mas mababang inte­rest rates.

Tinatayang 400,000 ang nagtatapos kada taon subalit nasa 40% lamang ang nakakakuha ng trabaho sa loob ng isang pagkatapos maka-graduate.

 

AURORA REP

BILL OF RIGHTS

ISANG

KASAMA

NEW GRADUATES

ONE STOP SHOP

PUBLIC EMPLOYMENT SERVICE OFFICE

SONNY ANGARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with