Cha-cha ‘di priority - Palasyo

MANILA, Philippines - Nanindigan si Pangulong Aquino na hindi niya prayoridad ang pagsusulong ng Charter Change.

“There is no absolute certainty that if we lift the res­trictions in our Constitution there will be corresponding economic gain,” wika ng Pangulo sa arrival speech nito kahapon sa NAIA Terminal 2 mula sa pagdalo sa World Economic Forum sa Davos, Switzerland.

Aniya, mas mabuting unahin muna ang pagsu­sulong ng ekonomiya na magpapaangat sa kalaga­yan ng bansa kaysa unahin ang pag-amyenda sa 1987 Constitution.

Ibinalita rin ni PNoy ang matagumpay na pakiki­pagpulong nito sa mga lider mula sa Europe gayundin ang pakikipag-usap nito kay IMF managing director Christine Lagarde.

Ibinida rin ng Pangulo na sa 2014 ay may mahalagang papel na gagam­panan ang Pilipinas sa pagiging host sa meeting ng World Economic Forum sa East Asia.

 

Show comments