MANILA, Philippines - Matapos ang halos limang buwang pagsusuri at pag-aaral, naipalabas na kahapon ng Civil Service Commission (CSC) ang bagong form ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN.
Sa isang press conference, sinabi ni CSC Chairman Francisco Duque III, ang bagong SALN ay mas pinasimple at mas maliwanag ang impormasÂyon upang mas lalung maintindihan.
Ginawa ang bagong form ng SALN upang matukoy ang lahat ng ari-arian ng isang opisyal ng pamahalaan, career service at public service worker kung tama ba ang kanilang mga yaman batay sa tinatanggap na sweldo sa gobyerno at tuloy maiwasan ang korapsiyon.
Laging nagiging kontrobersiyal ang isang tauhan ng gobyerno kapag lumalabas sa kanilang SALN na hindi akma at hindi kapani-paniwala ang kanilang pagmamay-aring yaman batay sa sinasahod nila sa gobyerno taun-taon.
Sa mga hindi makapagsusumite ng kanilang SALN ay maaring masuspinde ng anim na buwan sa first offense at dismissal sa serbisyo sa ikalawang pagÂlabag dito.