US nag-sorry sa mga Pinoy sa sumadsad na USS Guardian
MANILA, Philippines - Nagpaabot na ng mensahe si US Ambassador to the Philippines Harry Thomas kaugnay ng pagkakasadsad ng USS Guardian sa Tubattaha Reef sa Palawan.
Sa isang pahayag, sinabi ni Thomas na sa ngalan ng gobyerno ng Estados Unidos, siya ay nagpapaabot ng paumanhin sa gobyerno ng Pilipinas at sa mga mamamayan nito.
Tiniyak ni Thomas na nakatutok siya at ang kanilang militar sa pag-aalis ng barko habang sinisikap na hindi na makapagdulot pa ng higit na pinsala.
Tiniyak din ni Thomas na makikipagtulungan sila nang husto sa Pilipinas sa pagtukoy ng pinsala at paggawa ng hakbang para matugunan ang mga isyung pang-kalikasan na kaakibat ng insidente.
- Latest
- Trending