Mag-asawang Gov. at Rep. Cerilles kinasuhan sa Ombudsman
MANILA, Philippines - Kinasuhan sa tanggapan ng Ombudsman si Zamboanga del Sur GoÂvernor Antonio Cerilles at maybahay nito na si 2nd district Rep. Aurora Cerilles dahil umano sa P800 milyong pisong na lustay ng mag-asawa sa pamamagitan ng kaÂniÂlang mga negosyong piÂÂnasok.
Sa 18-pahinang reklamo nina Zamboanga del Sur Provincial Budget Officer Rogelio Montealto; Provincial Accountant BerÂÂnadette Ordonez; Provincial Treasurer Pedro RaÂmirez, Jr. dating chief of staff nito na sina Ruel Molina, Tyrone Singgo at former executive assistant on Muslim Affairs Mustapha Piang, inakusahan ng mga ito ang mag-asawang Cerilles na nakinabang sa ilang mga pribadong negosyo na pinasok gamit ang pera ng kapitolyo.
Ilan umano sa mga negosyong ito ay ang Hotel Alindahaw, Alindahaw Lakewood, ZDS, Pensionne Yllana, Boss Coffee, McDonald’s Fastfood, Building Resources, Jetti Gas Station-Tiguma, LTO-Tiguma, SKT LabaÂngan at iba pang mga establisyemento.
- Latest