China kinasuhan na ng Pinas!
MANILA, Philippines - Pormal nang dinala ng Pilipinas sa International Tribunal ang kaso nito laban sa China sa ilalim ng ipinatutupad na United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) dahil sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea o South China Sea.
Sa isang pulong balitaan kahapon, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na nagdesisyon ang Pilipinas na iakyat ang usapin sa pinag-aagawang teritoryo sa WPS sa international tribunal upang ganap nang matuldukan at masolusyunan ang iringan sa pagitan ng Pilipinas at China.
Ayon kay del Rosario, ipinatawag nila kahapon sa DFA si Chinese Ambassador to Manila Ma Keging at ipinasa ang note verbal hinggil sa legal na aksyon ng Pilipinas na iakyat ang usapin ng territorial dispute sa Arbitral Tribunal at hamunin ang China sa legalidad at validity ng kanilang claim sa buong WPS mula sa sinasabing 9-dashed line nito.
Sinabi ni del Rosario na ginawa na ng Pilipinas ang lahat para sa diplomatiko, pulitikal at mapayapang pag-uusap at negosasyon sa China upang matapos ang maritime dispute suÂbalit nananatiling bingi ang China. Umaabot na sa 15 diplomatic protest ang naihain ng Pilipinas laban China subalit nagkibit-balikat lamang at hindi tumugon ang huli.
Kabilang sa hinihiling ng Pilipinas sa Arbitral Tribunal na ganap na ideklarang ilegal at invalid ang claims ng China sa Scarborough o Panatag Shoal at Spratly Islands at sundin nito ang internationmal law base sa isinasaad ng UNCLOS partikular ang karapatan sa Territorial Sea and Contiguous Zone, Exclusive Economic Zone (EEZ) at Continental Shelf.
Hiniling din sa tribunal na i-award sa Pilipinas ang kahilingan na itigil ng China ang lahat ng aktibidades nito sa WPS na lumalabag sa karapatan sa maritime domain ng Pilipinas.
Ipinasusuri rin ng Pilipinas sa tribunal ang domestic laws ng China na naaayon sa UNCLOS.
Binigyan-diin ng DFA na simula pa noong 1995, diplomatikong nakipag-usap ang Pilipinas sa China upang mapayapang solusyunan ang maritime dispute subalit lalo umanong ipinagpatuloy ng huli ang panghihimasok matapos na okupahin ang mga isla at nagtayo ng siyudad at military garrison, inangkin ang mga reefs, naglagay ng mga istraktura at patuloy na nangunguha ng mga yamang dagat sa WPS.
Sinabi ni del Rosario na maaaring magtagal ng tatlo hanggang apat na taon ang arbitration o pagdinig sa inihaing kaso ng Pilipinas laban sa China.
Iginiit ng DFA na desisÂyon lamang ito ng Pilipinas at hindi inimpluwensyahan ng US at Japan at inaasaÂhan na hindi makakaapekto sa relasyon sa China.
Tiniyak ng DFA na “safety net†ang pamahalaan sa mga overseas Filipino workers na posibleng maapektuhan sa nasabing legal action ng Pilipinas laban sa China.
- Latest