Sariling desisyon binabaliktad: Kredibilidad ng SC nawawasak - Lawyer
MANILA, Philippines - Tahasang binatikos ng mga batikang abogado, kasama si Dean Amado Valdez ang papalit-palit na desisyon ng kasalukuyang Korte Suprema na nagpapaalala sa panahon ng pinatalsik na dating SC Chief Justice Renato Corona.
Sa manipestong piÂnirmahan ng mga abogado sa pangunguna ni Valdez na chairman ng Philippine Association of Law School at dekano ng UE College of Law, kinondena ang naunang desisyon ng SC, papagbayarin ng P329-M ang Keppel Cebu Shipyard matapos masunog ang Super Ferry 3 habang ginagawa at nakadaong sa Keppel shipyard noong 2000. Ang desisyon ay binawi at binaligtad umano ng Mataas na Hukuman kahit ito’y final and executory na.
Anila, ganyan din ang nangyari sa Korte Suprema sa panunungkulan ng pinatalsik na Chief Justice Renato Corona. Ang pagbaliktad anila ay kapareho din ng iginawad nitong desisyon sa kaso ng Philippine Airline Employees Association o PALEA.
“We have been boÂthered in the past by high-profile incidents of flip-flopping by the highest court of the land. The Cityhood and PALEA cases are notable examples of this disturbing phenoÂmenon. But nothing has shocked our sensibilities more than the recent case between Pioneer InsuÂrance and Surety Corporation and Keppel Cebu Shipyard, Inc,†anang manifesto.
Sa naturang kaso, pinaboran ng SC ang Pioneer Insurance and Surety Corporation at nagpasÂyang final and executory na ang ibinaba nitong hatol na inilagay na sa Book of Entries of Judgment ng korte. Ayon sa manifesto, ang naturang aksyon ng SC ay nangangahulugang sagradong desisyon ng korte at dapat nang ipatupad, pero biglang binago ang desisyon nito.
Napag-alamang sa pamamagitan ng isang sulat kay dating CJ Corona, napigilan ng Keppel Cebu Shipyard ang pagpapatupad ng naunang desisyon ng Mataas na Hukuman pabor sa Pioneer InsuÂrance.
- Latest