^

Bansa

Pirma ni PNoy sa Kasambahay billhinihintay na

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinumpirma ng Mala­cañang na lagda na lamang ni Pangulong Aquino ang kailangan upang maging ganap na batas ang Kasambahay bill.

Sinabi ni Deputy Presi­dential Spokesperson Abigail Valte, naipadala na sa Palasyo ang inaprubahang Kasambahay bill ng Kongreso pero hindi sila tiyak kung malalagdaan na ito ng Pangulo bago umalis sa Miyerkoles patungong Davos, Switzerland upang dumalo sa World Economic Forum.

Samantala, pinaghandaan din ng Pangulo ang mababang temperature sa Davos kung saan ay iniulat na aabot sa negative 4 degrees ang lamig doon.

Maging ang media delegation na kasama ng Pangulo ay pinaalalaha­nan at pinaghanda upang hindi sila magkasakit sa sobrang lamig ng panahon doon.

Ito ang kauna-una­hang pagdalo ni PNoy sa World Economic Forum mula ng maupo itong chief executive ng bansa.

DAVOS

DEPUTY PRESI

KASAMBAHAY

PANGULO

PANGULONG AQUINO

SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

WORLD ECONOMIC FORUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with