^

Bansa

Pekeng claimants sa martial law human rights ‘di palulusutin

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ni Sen. Joker Arroyo na kaya matagal ang deliberasyon ng Human Rights Repatriation bill sa Senado ay upang matiyak na hindi makakasama rito ang mga pekeng biktima ng human rights ng Marcos regime.

Sinabi ni Sen. Arroyo, nais lamang nilang protektahan na ang P10 bilyong allocated para sa claimants ay mapupunta sa mga totoong biktima ng human rights ng Marcos regime at hindi masasama rito ang mga pekeng claimants.

Aniya, ang board of claimants ay dapat ma­ging credible at hindi magkakamali sa pagbibigay ng award at compensation para sa martial law human rights victims.

“Gusto na namin matapos na yan. We only want to guard the integrity of the Board…We are very, very careful about that,” paliwanag pa ng mambabatas.

ANIYA

CLAIMANTS

HUMAN

IGINIIT

JOKER ARROYO

RIGHTS

SENADO

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with