Hostage crisis sa Algeria tapos na!
MANILA, Philippines - Naging madugo ang pagtatapos ng apat na araw na hostage crisis sa Algeria gas plant matapos na mapatay ang 23 bihag at 32 militante habang nakaligtas ang may 800 manggagawa kabilang ang 52 Pinoy.
Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez, base sa report ng ipinadalang team sa Algeria mula sa Embahada ng Pilipinas sa TriÂpoli at London, “accounted†na ang 52 Pinoy na nagtatrabaho sa In Amenas gas plant sa isang disyerto sa Sahara na inatake ng mga militanteng Islamist noong Miyerkules.
Sa nasabing bilang ng mga nakaligtas na Pinoy, 39 dito ang nakauwi na rin sa bansa kahapon lulan ng Emirates Airlines flight EK-332 dakong alas-4 ng hapon mula Dubai; apat Pinoy ang dinala sa Mercure Hotel sa Algiers; apat sa Al Azhar Clinic sa Algiers; tatlo ang inaayos na ang repatriation sa London; isa ang inilipad sa Germany at isa ang inilikas sa Canada.
Base sa report, marami pang dayuhang manggagawa ang nananatiling nawawala matapos ang rescue operations at inaÂalam kung may kasamang Pinoy dito.
Samantala, nagpapagamot na ang dalawang Pinoy hostages na sina Ruben Andrada at Jojo Balmaceda na nasugatan at nakatakas sa mga abductors.
Si Andrada ay nakaligtas bagaman ipinakwintas pa sa kanya ang bomba matapos na hindi pumutok ang itinanim na bomba sa kanilang sasakyan habang si Balmaceda ay nakatakbo sa pagsabog.
Ayon sa kanila, tatlong Pinoy na kanilang kasamahan ang tinutukan pa tinalian at ibinalibag sa truck kasama ang mga Japanese at Malaysian hostages.
- Latest