^

Bansa

20% discount sa mga gamot, malaking tulong sa PCSO patients

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mas maraming pasyente ang mabibigyan ng ayuda ng Philippine Charity Sweepstakes Of­fice ngayong taon dahil sa 20 porsyentong diskuwento sa mga gamot na bigay ng mga phar­maceutical companies para sa mga mahihirap.

Saklaw nito ang mga karaniwang hinihiling na gamot tulad ng mga gina­gamit sa chemotherapy, dialysis at iba pang ethi­cal drugs.

Kaugnay ito ng mga bagong reporma at panuntunan ng PCSO na naglalayong mapabilis ang pagbabayad sa mga suppliers sa loob ng 45 araw, mula sa dating anim na buwan.

Ayon kay Dr. Larry Ce­dro, manager for PCSO Fund Allocation depart­ment, sisiguraduhin ng ahensya na lahat ng ka­kailanganing gamot ng mga pasyente ay mabibili sa pharma company sa malapit sa mga assis­tance centers at 30 o higit pang provincial district of­fice ng PCSO.

Giit ni Cedro, “hindi na kailangan pang magtungo ng Metro Manila ang mga pasyente para sa kanilang mga kahilingan” dahil maaari na silang magsumite sa pinakamalapit na opisina ng PCSO sa kanilang bayan.

Samantala, pinirma­han ni PCSO Chairper­son Margarita Juico ang isang kasunduan kasama ang mga bagong phar­maceutical manufacturer, suppliers, and distributor nitong ika-15 ng Enero.

Kabilang dito ang mga kumpanyang Zuellig Pharma Inc., Metro Drug, at GB Distributors Inc.

Ang Zuellig at Metro Drug ay mga major dis­tributors ng foreign makers Roche, Novartis, at Sanofi na nagsu-supply ng mga specialty medi­cines at gamot pang-maintenance.

Ipinaliwanag ni Juico na mas malaki ang hamon sa pamunuan ng PCSO na magkaroon ng mas malaking kita upang ma­tugunan ang lumalaking pangangailangan ng mga maralitang pasyente.

Ayon sa kaniya “ang pagbaba ng presyo ng mga medisina ay isang malaking tulong hindi sa PCSO kundi sa mga Pili­pinong nangangailangan”.

Masayang tinanggap ni dating Las Piñas Congw. Cynthia Villar ang Plaque of Appreciation mula kay Lingayen Mayor Jonas Castañeda (ikatlo mula sa kanan), kasama ang iba pang mga lokal na opisyal ng Lingayen, Pangasinan. Si Villar ay naging panauhing pandangal sa Coronation Night ng Miss Lingayen 2013 kamakailan.

vuukle comment

ANG ZUELLIG

AYON

CORONATION NIGHT

CYNTHIA VILLAR

DISTRIBUTORS INC

DR. LARRY CE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with