^

Bansa

46 katao timbog sa gun ban

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot na sa 46 katao ang nasakote ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) sa loob ng apat na araw na implementasyon ng gun ban sa buong bansa kaugnay ng halalan sa Mayo.

Ayon kay PNP Spokes­man Chief Supt. Generoso Cerbo Jr., sa 46 nahuli sa gun ban ay 43 ang sibilyan habang tatlo ay mga empleyado ng gobyerno sa Region 1 at Region V.

Nasa 35 namang mga baril ang nakum­piska, 23 rito ay mga maiikling armas habang 12 ay matataas na kalibre.

Nasamsam din sa operasyon ang anim na granada at 12 mga matatalas na patalim.

Pinakamaraming na­kum­piskang baril ang­ Calabarzon Police sa Southern Tagalog Region sa bilang na 7 armas; kasunod ang NCRPO na nakasamsam ng anim, ikatlo ang Police Regional Office (PRO) 6 na nakakumpiska ng 5, habang ang iba pang PRO ay may tig-2 at tig-isa.

Sinabi ni Cerbo na hindi naman nagkukulang ang PNP sa pagbibigay paalala sa publiko  na bawal ang pagdadala ngayon ng mga baril dahil na rin election period pero marami pa rin ang pasaway.

Ang election gun ban ng Comelec ay ipinatupad ng PNP umpisa noong Enero 13 na tatagal hanggang Hunyo 13 na naglalayong maidaos ang mapayapa at matiwasay na mid-term elections.

 

AYON

CALABARZON POLICE

CHIEF SUPT

GENEROSO CERBO JR.

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

POLICE REGIONAL OFFICE

REGION V

SOUTHERN TAGALOG REGION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with