Ugat sa mata ni Miriam pumutok sa alta presyon
MANILA, Philippines - Pumutok umano ang ilang ugat sa kanang mata ni Senator Miriam Defensor-Santiago dahil sa alta presÂyon. Ayon sa ophthalmologist ni Santiago na si Dr. Rodolfo Chuanico, ang mataas na blood pressure na umabot sa 190/115 ang sanhi ng pagputok ng blood vessels ng senadora.
Kahapon ng umaga ay naging panauhin si SanÂtiago sa isang programa sa telebisyon kung saan paÂtuloy ang naging pag-atake niya kay Senate PreÂsident Juan Ponce Enrile.
Matapos ang interview ni Santiago sa programa ni Karen Davila na “Headstartâ€, napansin na umano na namumula ang kanang mata ng senadora at may red blood clots sa paligid ng kanyang pupil.
Ayon sa tanggapan ni Santiago, kino-contact na kahapon ng nurse ng senadora na si Elsie Gayo si Dr. Esperanza Cabral, ang cardiologist at personal na physician ng senadora. Posible umanong tumaas ang blood pressure ni Santiago matapos ang interview nito sa telebisyon.
- Latest