^

Bansa

PNP general, 24 pa sibak!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinibak kahapon ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ang hepe ng CALABARZON Police, apat pang opisyal at 20 operatiba ng pulisya kaugnay ng pagkakapatay sa isang tauhan ng hinihinalang lider ng gun-for-hire na si Vic Siman sa shootout sa San Juan, Batangas kamakalawa.

Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni Roxas na nawalan na ng tiwala si Pangulong Aquino kay Police Regional Office (PRO) IV-A Chief Supt. James Melad dahil sa malalaking insidente na magkakasunod na naganap sa hurisdiksyon nito kaya ito sinibak sa puwesto.

“The President lost his trust and confidence on Gen. Melad, we need a transformation on the leadership of CALABARZON Police,” ayon kay Roxas kung saan may ikinokonsidera na rin ang PNP na papalit kay Melad sa puwesto.

Bukod kay Melad, kabilang pa sa mga sinibak sina Batangas Provincial Police Director Supt. Rosario Acio, SWAT team leader Supt. Raul Tacaca, San Juan Police Chief Supt. Elpidio Ramirez at Chief Insp. Rodolfo Ama, ng San Juan Police.

Iniutos na rin ni Roxas ang masusing imbestigasyon sa pagkamatay ni Fernando Morales alyas Pandoy, isa sa mga tauhan ni Siman na kabilang sa 13 kataong napatay sa checkpoint sa Maharlika highway, Brgy. Lumutan, Atimonan, Quezon noong Enero 6.

Nabatid na si Pandoy ay kolektor ni Siman sa illegal nitong operasyon ng bookies sa Calamba City at iba pang lugar sa Laguna na ang bolahan ay ginagawa sa Mt. Banahaw.

Sinabi ni Roxas, kuwestiyonable ang pagsisilbi ng warrant of arrest sa kasong illegal possession of firearm laban kay Pandoy dahilan isinagawa ito ala-1:30  ng madaling-araw nitong Lunes.

Ayon pa sa kalihim, hindi na-contain ng mga operatiba si Morales na kailangan pang humantong sa kamatayan nito.

Sa pahayag ng misis ni Pandoy, hinila umano palabas ng kanilang bahay ang kaniyang mister at ilang sag­lit pa ay nakarinig siya ng sunud-sunod na putok ng baril kung saan nagulat na lamang siya ng makitang patay na ang asawa.

Ikinatwiran ng mga ope­ratiba na nanlaban umano si Pandoy kaya nabaril at napatay.

Naghihinala naman ang pamilya Morales na may kinalaman sa Quezon shooting ang pagpatay sa biktima.

 

BATANGAS PROVINCIAL POLICE DIRECTOR SUPT

CALAMBA CITY

CAMP CRAME

CHIEF INSP

CHIEF SUPT

ELPIDIO RAMIREZ

MELAD

PANDOY

ROXAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with