^

Bansa

Bagong ‘China map’ sakop ang WPS ilalabas

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaalam ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ulat na nakatakda umanong magpalabas ang China ng kanilang bagong mapa ng kanilang bansa na nasasakop ang pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea o South China Sea.

Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez nagpadala na sila ng mensahe o komunikasyon sa Beijing upang beripikahin ang nasabing report na may bagong mapa ang China at nakatakda nilang ipalabas.

Layunin ng komunikasyon ng DFA sa China na malaman kung hanggang saan ang kover o sasakupin ng China sa WPS.

Sinabi ni Hernandez na gagawa lamang ng kasunod na aksyon ang pamahalaan kapag natanggap na ng Embahada ng Pilipinas ang kasagutan o kumpirmas­yon ng China sa nasabing ulat.

Kapag nakita umanong may nilabag ang China at nasakop nito ang teritoryo ng Pilipinas ay agad na maghahain ng diplomatic protest ang DFA.

Base sa report, kabilang sa sasakupin ng China sa kanilang ilalathalang bagong mapa ngayong katapusan ng Enero ay ang Spratly Islands, Paracel Islands, Pratas Islands, Macclesfield Bank, at Scarborough o Panatag Shoal.

 

CHINA

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

FOREIGN AFFAIRS SPOKESMAN RAUL HERNANDEZ

MACCLESFIELD BANK

PANATAG SHOAL

PARACEL ISLANDS

PILIPINAS

PRATAS ISLANDS

SOUTH CHINA SEA

SPRATLY ISLANDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with