^

Bansa

Balasahan sa BOC simula na

Butch Quejada at Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagsimula ng balasahin ni Custom Commissioner Ruffy Biazon ang kanyang mga opisyal bilang bahagi ng pagsasaayos ng serbisyo sa kanilang kagarawan.

Nabatid na inilipat bilang collector ng Cagayan De Oro port kapalit ni Anju Castigador si Atty. Lourdes Mangaoang na dating may hawak ng x-ray inspection project sa Manila International Container Port (MICP).

Si Castigador ay inilagay sa Office of the Commissioner habang  si Carmelita Talusan  naman na galing sa Subic Bay Free Port, ang bagong pinuno ng X-ray Inspection Project kapalit ni Mangaoang.

Pumalit naman kay Talusan sa Subic si Adelina Molina na dating chief of staff sa Office of the Commissioner na pinalitan naman ni Atty. Geniefelle Lagmay.

Ibinalik sa Clark International Airport si Cebu District Collector Ronnie Silvestre at pinalitan ito ni Edward Dela Cuesta.

Kabilang din sa mga binalasa ang mga opis­yal ng Port of Manila, Ad­mi­nistrative, Assessment Operations at Risk Ma­nagement Office.

Giit ni Biazon, muling magkakaroon ng balasahan pagkatapos ng eleksiyon kung kaya’t pinayuhan nito ang kanyang mga tauhan na pagbutihin ang kanilang trabaho.

 

ADELINA MOLINA

ANJU CASTIGADOR

ASSESSMENT OPERATIONS

CAGAYAN DE ORO

CARMELITA TALUSAN

CEBU DISTRICT COLLECTOR RONNIE SILVESTRE

CLARK INTERNATIONAL AIRPORT

CUSTOM COMMISSIONER RUFFY BIAZON

EDWARD DELA CUESTA

OFFICE OF THE COMMISSIONER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with