^

Bansa

Lolo nahulihan ng 50 bala sa NAIA

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 75-anyos na lolong balikbayan ang nasakote ng mga tauhan ng Bureau of Customs dahil sa pagdadala ng my 50 pirasong Remington live ammo na walang kaukulang permiso matapos itong dumating sa NAIA Terminal 2 galing San Francisco, USA.

Kinilala ni BoC Commissioner Ruffy Biazon ang Filipino American passenger na si Domingo Rave Aquino, na sakay ng eroplanong PAL flight PR 105 via San Francisco na may connecting flight sa Cebu.

Nabatid mula sa ulat na isinumite nina NAIA District Commander Marlon Alameda at Assistant Chief and Investigation Customs police Byron Carbonell ng  ‘BOC Task Force React’ sa tanggapan ni Comm. Biazon, nakita sa x-ray machine ang hugis mga bala ng baril sa dalang bagahe ni Aquino.

Nang beripikahin ang laman ay nakita rito ang isang kahon na naglalaman ng 50 pirasong mga bala ng .9mm na nakalagay sa isang toilet bag.

Hinanapan ng permit si Aquino, subalit wala itong maipakitang kaukulang dokumento na nagsasabing legal ang pagdadala nito ng mga bala na nakalagay sa bagahe nito.

Gayunman, itinanggi ni Aquino na may alam ito sa mga live ammo na nakuha sa kanya. Sinabi niya na hindi niya alam ang kahon na ibinigay sa kanya ng kamag-anak niya sa US para dalhin sa Cebu.

AQUINO

ASSISTANT CHIEF AND INVESTIGATION CUSTOMS

BUREAU OF CUSTOMS

BYRON CARBONELL

CEBU

COMMISSIONER RUFFY BIAZON

DISTRICT COMMANDER MARLON ALAMEDA

DOMINGO RAVE AQUINO

SAN FRANCISCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with