P2-M sa ulo ng killer ni Nicole
MANILA, Philippines - Itinaas na ng Palasyo sa P2 milyon ang reward para sa sinumang makakapagturo sa killer ng batang si Stephanie Nicole Ella.
Ayon kay Deputy PreÂsidential Spokesperson Abigail Valte, umaasa ang Pangulo na dahil sa malaking pabuya ay mapapabilis ang paghuli sa salarin.
Naunang nagbigay ng P400,000 bounty sina Caloocan City Mayor ReÂcom Echiverri at Valenzuela Mayor Sherwin GatÂchalian para sa ikadarakip ng killer ni Nicole.
Inilibing kamakalawa ang 7-year old na si Nicole sa Norzagaray, BuÂlacan. Tinamaan ng stray bullet si Nicole noong Bagong Taon sa labas ng kanilang bahay sa Tala, Caloocan City.
Magugunita na naÂnonood lamang ng mga fireworks ang biktima sa labas ng kanilang bahay ng tamaan ito ng ligaw na bala sa ulo.
Batay sa pagsisiyaÂsat ng mga forensic expert ay nasa 50 metro ang layo mula kay Nicole ang hindi pa nakilalang nagpaputok ng baril.
Ayon naman sa National Bureau of Investigation (NBI) ay mayroon silang eyewitness na magtuturo sa suspek na posibleng nakapatay kay Nicole.
May mga naunang diÂnampot ang pulisya na nagpaputok ng baril sa bisinidad nina Nicole subalit pinalaya rin makaraang hindi tumugma ang baÂlang nakuha sa ulo ng bata.
- Latest