Miriam naghamon!
MANILA, Philippines - Matapos sumiklab ang “word war†sa pagitan nina Senate President Juan Ponce Enrile at Senator Miriam Defensor-Santiago, naghamon kahapon ang senadora na daanin nila ang lahat sa debate, boxing at puwede ring pagandahan ng legs.
Naging panauhing pandangal si Santiago sa Centro Escolar University sa Mendiola, Manila, kung saan inamin nito na punong-puno na siya sa kanyang mga kalaban.
Bagaman at hindi nito tahasang pinangalanan si Enrile sinabi ni Santiago na isa sa kaniyang mga kalaban ay “matanda na mahilig manligawâ€.
“Hamon ko sa kanila, magdebate kami dito sa CEU. O gusto nila mag-boxing na lang kami….let’s compare…who has the most beautiful legs. Mag-shorts sya, mag-shorts din ako,†sabi ni Santiago.
Ikinuwento pa ni Santiago na minsan umano ay nanligaw ang kaniyang ‘matandang kalaban’ at sinabi nito sa nililigawan na nasa dugo talaga nila ang pagiging guwapo. Pero sumagot umano ang babae ng “Bakit sa dugo lang bakit hindi napunta sa mukha mo?â€
Maging si Senate Majority Leader Vicente “Tito†Sotto III ay mistulang pinatutsadahan ni Santiago ng payuhan nito ang mga estudyante ng CEU na huwag mangongopya upang hindi matulad sa isang senador na nangongopya sa Senado.
Kahit na hindi pinangalanan ni Santiago si Sotto, isa sa mga isyung ibinabato dito ay ang “plagiarism†matapos akusahan na nangopya ng speech ng ibang tao.
Hindi rin pinalampas ni Santiago ang kontrobersiyal na P1.6 milyong karagdagang “additional maintenance and other operating expenses (MOOE) na ipinamahagi sa 18 senador noong Disyembre 2012.
Bukod kay Santiago, hindi rin nabigyan ng P1.6 milyon sina Senators Antonio Trillanes, Alan Peter Cayetano at Pia Cayetano.
“Hinati-hati nila sa sarili nila tapos exempted kami. I don’t know what his criteria are. Ano kaya ang criteria nila, apat kami. Criteria ba nila beauty or sex appeal,†ani Santiago.
- Latest