^

Bansa

Gun ban exemption dinagsa

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mahigit 1,000 na ang humihingi ng exemption sa Commission on Elections (Comelec) kasabay ng nalalapit na pagpapatupad ng gun ban sa Enero 13.

Nabatid kay Commissioner Elias Yusoph, ang mga VIP na kukuha ng exemptions ay magbabayad ng P5,000 para sa processing fee habang ang mga security agency ay magbabayad ng P50 bawat guwardiya.

Pinaliwanag naman ni Yusoph na walang limitas­yon sa pagkuha ng bilang ng mga alalay ang mga VIP ngunit kailangan aniya na pumili lamang sila ng dalawang security escort na maaaring magdala ng isang pistol at isang mahabang  baril.

Samantala, hindi na kailangang kumuha ng  gun ban exemption si Pangulong Aquino.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, bilang chief executive at commander in chief ng AFP at PNP, maaari itong makapagdala at maka­gamit ng baril.

Sinabi pa ni Brillantes, kung ang police general ay exempted sa gun ban, lalo na ang presidente ng Pilipinas.

Dagdag pa ng poll chief, hindi mismo ang Pangulo ang humiling ng exemption sa dalawang baril nito kundi si PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima.

Gayunman, naiintindihan ni Brillantes ang pagsumite ng request sa gun ban ng punong ehekutibo na nais lang maging ehem­plo sa mga kababayan.

Una rito, kinumpirma ni Yusoph ang paghingi ng exemption sa baril ng Pa­ngulo na pistol/glock caliber .40 at HPRFL/SIGSR caliber 666 o long firearm.

 

ALAN PURISIMA

AYON

BRILLANTES

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES

COMMISSIONER ELIAS YUSOPH

PANGULONG AQUINO

YUSOPH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with