Seguridad sa Muntinlupa mas pinaigting
MANILA, Philippines - Bunsod na rin ng lumalalang kriminaÂlidad sa iba’t ibang bahagi ng bansa, kumilos na ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Muntinlupa na paigtingin pa ang pagbibigay ng seguridad sa pamamagitan ng mas pinalakas na pagpapatrulya sa mga nasasakupan nito.
Ito ay makaraang isiwalat ni Muntinlupa Mayor Aldrin San Pedro na pinagkalooban niya ng karagdagang sampung mobile patrol car at pitong motorsiklo ang mga kagawad ng Philippine National Police (PNP) na nakatalaga sa kanilang lugar.
Ang pagkakaloob sa Muntinlupa PNP ng naturang mga karagdagang kagamitan ay isinakatuparan ni San Pedro humigit-kumulang isang buwan bago pa man maganap ang kontrobersiyal na Atimonan, Quezon encounter at ang nangyari sa Kawit, Cavite.
“Ang pagbibigay natin ng mga dagdag na mga patrol car at mga motorsiko sa ating kapulisan ay naglalayong mas lalo pang palakasin ang kanilang kakayahan upang panatilihin ang kaayusan at katahimikan sa ating lungsod at laban sa kriminalidad,†ani San Pedro, kasabay pa ng pagsasabing “patuloy nating sinusuportahan ang ating mga pulis lalo na sa kanilang mga pangangailangan upang mas mahusay nilang magampanan ang kanilang mga tungkulin.â€
Napag-alaman pa sa naturang alkalde na magiging prayoridad na responsibilidad ng mga bagong mobile patrol cars at motorsiklo ang pagbibigay ng karagdagang seguridad sa Alabang na siyang nagsisilbing financial district, hindi lamang ng Muntinlupa, kundi maging ng mga karatig na lugar.
- Latest