^

Bansa

Comval, Davao Oriental may Geohazard maps na

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang araw ang inilaan ng Mataas na Kapulu­ngan ng Kongreso para sa sistematikong pamamahagi ng geohazard maps sa mga lalawigang kinalbo ng pananalasa ni bagyong Pablo sa Mindanao.

Sa pinakahuling impormasyong nakalap mula sa Senate Committee on Climate Change, personal na ipi­namahagi ng pinuno nito na si Sen. Loren Legarda ang mga kopya ng geohazard maps sa mga residente ng mga lalawigan ng Compostela Valley at Davao Oriental.

Sa Compostela Valley, personal na nakipagkoordinasyon si Legarda kay Governor Arturo Uy upang maging mas sistematiko ang pamamahagi ng naturang mga mapa sa harap na rin ng katotohanan na marami pa ring mga lugar ang hirap na marating dahil sa pagkasalanta sa mga ito.

Ayon sa senadora, maiiwasan ang mga sakuna o trahedya sa bansa kung sapat ang kaalaman ng local government units at ng mamamayan sa panganib na kakaharapin ng mga ito.

“These maps show where it is safe and unsafe to reside or to build infrastructure,” paliwanag ni Legarda.

Ipinunto rin ni Legarda ang kahalagahan ng pagpupulong ng mga lokal na opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga LGU officials hinggil sa tamang paggamit ng geohazards maps.

“With the knowledge of the risks present in our communities and with early warning signals at least seven days before any typhoon arrives, we should be able to radically minimize the casualties and damages when a natural hazard strikes,” ani Legarda.

vuukle comment

CLIMATE CHANGE

COMPOSTELA VALLEY

DAVAO ORIENTAL

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

GOVERNOR ARTURO UY

LEGARDA

LOREN LEGARDA

SA COMPOSTELA VALLEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with