^

Bansa

Malolos City Budget Office, binira ng AFIMA

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mariing  kinondena ng Alyansa ng Filipinong Mamamahayag (AFIMA) ang pag-atake sa mamamahayag na si Orlando Mauricio, publisher-editor of Metro News Bulacan ang Malolos City Budget Office. 

Nabatid na hindi pina­yagan ng isang Jay Lopez si Mauricio na makalapit sa bidding ng bagong  city hall at public market ng  Malolos City at pinalabas sa harapan mismo ng publiko.

Si Lopez ay sinasabing driver ng City Budget Officer na si Delfin Natividad.

Ayon sa AFIMA, ang ginawa umano ni Lopez ay hindi lamang pagpapakita ng kawalan ng res­peto kundi paglabag sa karapatan ng ordinaryong mamamayan at paglabag sa  press freedom.

Sinampahan na ng kasong unjust vexation at grave coercion si  Lopez dahil sa hindi makataong pagtrato kay Mauricio.

Nanawagan ang AFIMA kay  Delfin Natividad na maging responsable at patawan ng parusa ang kanyang driver.

Nanawagan din ang grupo sa mga awtoridad na huwag kunsintihin ang mga ganitong uri ng pag-atake sa mga mamamahayag.

CITY BUDGET OFFICER

DELFIN NATIVIDAD

FILIPINONG MAMAMAHAYAG

JAY LOPEZ

LOPEZ

MALOLOS CITY

MALOLOS CITY BUDGET OFFICE

METRO NEWS BULACAN

NANAWAGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with