Bagong LPA binabantayan
MANILA, Philippines - Matapos lumabas ng bansa si Auring, isang namumuong sama ng panahon ang minomonitor ngayon ng PAGASA na maaring maging potensyal na bagyo.
Sa sandaling maging bagyo ang nasabing LPA habang nasa loob ng PhiÂlippine area of responsibiÂlity, tatawagin itong si BiÂsing, ang ikalawang bagyo na pumasok sa bansa ngaÂyong 2013.
Sa weather advisory ng PAGASA alas-11 ng umaga, ang LPA ay namataan 700 km southeast ng Mindanao. InaaÂsahang magdadala itong katamtaman hanggang matinding pagbuhos ng ulan may 5.0-15.0 mm/hr.
Magdadala din ito ng pagÂkulog sa bahagi ng Mindanao partikular sa rehiyon ng Caraga at Davao na maaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Pinaalalahanan din ang mga residente sa lugar na gumawa ng hakbang para sa kanilang pag-ÂiÂingat.
- Latest