Total ban sa paputok ihahain sa Kamara
MANILA, Philippines - Isusulong ng isang kongresista na ipagbawal na ang paggamit ng pyrotechnis sa bansa bunsod ng mga idinudulot nitong kapahamakan na sanhi ng pagkaputol ng mga daliri, kamay, pagkabulag at pagkamatay ng mga taong napuputukan nito.
Sinabi ni Samar Rep. Mel Senen Sarmiento, pipilitin niyang isulong sa Kongreso ang total ban ng mga paputok.
“I don’t think we will miss the meaning of Christmas and the New Year without the deafening sounds and health hazards posed by these life-threatening firecrackers,†sabi ni Sarmiento.
Sabi ni Sarmiento, kung disiplinado at may political will sa panig ng law enforcement agencies at buong liderato ay wala umanong imposible.
Ang nakukuhang buwis ng gobyerno sa mga manufacturer ay hindi umano sapat para pantayan ang mga nadidisgrasya sa paputok.
- Latest