^

Bansa

1 patay sa bagyong Auring

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iniulat kahapon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nag-iwan ng isang patay ang bagyong Auring na tumama sa lalawigan ng Palawan bago ito lumabas ng bansa noong Biyernes.

Kinilala ni NDRRMC Executive Director Benito Ramos ang nasawing biktima na si Pedro Francisco, 35 anyos, residente ng Brgy. Iraan, Rizal, Palawan.

Si Francisco ay nasawi matapos na madaganan ng nabuwal na puno ng niyog sa pananalasa ng bagyong Auring sa lalawigan.

Si Auring ay ang kaunaunahang bagyong humagupit sa Pilipinas sa taong  2013 kung saan ayon kay Ramos ay nakaalerto ang NDRRMC sa isa na namang papasok na Low Pressure Area (LPA) sa Mindanao na posibleng maging bagyo .

Samantalang hindi pa rin madaanan ang ilang mga kalsada at mga tulay sanhi ng mga pagbaha sa Palawan at iba pang lugar na hinagupit ng nasabing bagyo.

Kabilang dito ay ang Malatgao Section, sa bayan ng Bataraza, Palawan; Kalinan Pinan Bridge sa Region IX, Katipunan national highway, Mia Sans Dicayo Bridge, Pian at Tangian Bridge sa Region XI sanhi ng mataas na tubig baha.

Nagkaroon rin ng pagkaputol sa supply ng kuryente sa Puerto Princesa City, Aborlan, Brookes Point at Quezon, Palawan. Nasa 12 bangka naman ang winasak ng bagyo sa lalawigan sanhi ng malakas na hagupit ng hangin at naiulat rin ang pagkasira ng ilang kabahayan sa bayan ng Rizal bunsod ng tornado.

 

AURING

BROOKES POINT

EXECUTIVE DIRECTOR BENITO RAMOS

KALINAN PINAN BRIDGE

LOW PRESSURE AREA

MALATGAO SECTION

MIA SANS DICAYO BRIDGE

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

PALAWAN

PEDRO FRANCISCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with