Kampanya sa ilegal na droga pinatututukan ng Malacañang
MANILA, Philippines - Matapos ang madugong insidente ng pamamaril sa Kawit, Cavite kung saan 9 katao ang namatay, ipinag-utos kahapon ng Malacañang sa Philippine National Police na mas paigtingin pa ang kampanya laban sa ilegal na droga sa bansa.
Ginawa ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte ang pahayag matapos mapaulat na lango sa ipinagbabawal na droga ang lalaking walang habas na namaril sa Cavite.
“This should provide, again, a further impetus for our officials of the PNP particularly in Region IV-A-Region IV-A po yata ang Cavite-to further heighten their drive against illegal drugs,†sabi ni Valte.
Kasama rin sa pinasisilip ng Malacañang ang ulat na hindi kaagad naka-responde ang pulisya sa lugar kung saan inabot pa umano ng 30 minuto bago may dumating na mga pulis sa lugar.
Ipinunto ni Valte na sa National Capital Region ipinatutupad ni National Capital Region Police Office (NCRPO) General Leonardo Espina ang “two-minute response ruleâ€.
Isinantabi rin ni Valte ang isyu ng pulitika na dahilan umano kung bakit natagalan ang pag-responde ng mga pulis dahil hindi miyembro ng Liberal Party ang kasalukuyang governador ng Cavite na si Governor Juanito Victor Remulla.
“Alam niyo ‘yung peace and order po, wala hong pulitika tayo doon sa peace and order. We’ve always been very adamant about that. And if Governor Remulla has any concerns, and I’m sure the leadership of the PNP will be more than happy to coordinate and to listen to him,†sabi ni Valte.
- Latest