MANILA, Philippines - Tuluyan nang lumabas ng bansa ang bagyong Auring na kauna-unahang sama ng panahon na pumasok sa bansa ngayong 2013.
Gayunman, nananatiÂling nasa ilalim ng signal number 1 ang Southern Palawan habang patuloy na dumaranas ng pag-uulan ang ilang bahagi ng ating bansa.
Alas-11 ng umaga kahapon, ang sentro ni Auring ay huling namataan sa layong 330 kilometro sa timog kanluran ng Puerto Princesa City taglay ang lakas ng hanging umaabot sa 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso hanggang 80 kilometro bawat oras.
Patuloy namang binabalaan ng Pag Asa ang mga residente ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao dahil sa patuloy na pag-uulan doon bunga ng pagsasalubong ng haÂngin mula sa karagatang Pasipiko at malamig na hanging amihan mula naman sa hilagang bahagi ng ating bansa.